haha.. pinakamasayang araw ng mga madadaldal at baliw kong kaklase.. Hindi ko akalaing aabot sa ganito ang saya, daig pa namin mga bangag sa kalye. Kung magtrip, sama-sama at walang KJ. Yung time na parang lahat kame eh nagkakaintindihan. Kahit walang masyadong parlor games at give aways eh mas masaya padin kami sa ibang mga Klase na Bongga ang handa. Sa kantahan dinadaan ang moments eh, mga awiting sikat na sabay-sabay naming tinutula na sinamahan ng lyrics na sarili naming likha.Ung mga lyrics na pang asar sa isat isa. Dito sa klase namen, walang taong pikon sa umpisa pa lamang.kung hindi,. tiyak na mapipilitan kang mag empake at maglipat ng eskwelahan. Ang ingay nga naman talaga namen, hanggang saan kaya umabot ang ingay ng pagtula namen. Ang lalaki kasi ng mga "bunganga eh". Makatanggal lalamunang kantahan kahit mga sintunado at wala sa tono. Tapos sasabayan pa ng sayaw na eewan-ewan. May sarisarilinng dance moves, pero meron din namang main move.. ung sayaw ng tanga na tumatalon talon habang sabay na sumusunkot /pumapadyak ang dalawang kamay. haha .Kasing ingay na namen ang libo-libong tao sa loob ng araneta!!!, kahit masakit na si tonsil, hala sige non stop!! ''SUNG AND DANCE TO THE FULLEST LEVEL!". At ng magsawa kami sa loob ng room, hindi pa kami nakuntento, Sama-sama kaming lumabas ng room na pa tren-tren chut-chut at ung iba may dala dala pang Fire extinguisher (tubig sa baso). Dalawang beses namin yung inulit habang naliligo sa tubig at pawis. Grabe ang pagkahyper namen!! haggard na haggard kaming lahat pagkatapos pero tuloy tuloy padin. Noon lang ata kami pumila ng deretsong deretso haha. Eto na siguro ung sinasabi nilang isa naa pinakamasasayang araw sa tinatawag nilang "HIGH SCHOOL LIFE :) ''. Ikinalat namin ang saya at ang music ng Antelope sa labas ng room at pinakita sa ibang section kung gaano kakapal ang mukha namin xDD. Walang hinto padin pagpasok ng room mga 1:30 HOURS kaming nagpakapagod na parang wala ng bukas (btw end of the world na bukas eh xD) pati si Ma'am Intern napapaindak nadin. Nahawaan na din namin ng kakulitan at kabaliwan bwahahaha. MISSION ACCOMPLISH!!. Hanggat hindi nauubos ang tugtog sa loob ng VideOke eh sinasabayan namin ng pagtalon, takbo, lakad, tulakan, sayawan, showdown, hataw at palakasan ng boses hanggang sa matanggalan kaming lahat ng tonsil. Yang sila, ang mga siraulo kong mga kaklase. Sila ang sisira sa katahimikan ng FFHNAS,, haha.. yon ang tinatawag naming Party.
last christmas na siguro to :( sana hindi pa ito ang huling tawanan at halakhakan natin mga pre... LUMALAPIT na ang TIME OF JUDGEMENT!! next year sure... magkakahiwahiwalay na tayo.. sana walang kalimutan... still friends..wag malungkot, hindi pwedeng maghiwahiwalay diba? ikaw payag ka bang mangyari yon? kung hindi edi ituloy ang party haha.. anong trip naten next year classmates.?. wahahah
"A party like no other."
all my love- marnie singing haha
all my love- russel singing
Uptown girl- Marnie
Careless whisper
Careless whisper-Steph
alipin?- Russel
dadalhin lang pala?- Russel
Dancing Queen
Zombie- In my kyle!!!(head)
Parlor games-Cups pyramid
Parlor games- Card on face
Group of Marga Famuly Apir
Buena's Group in Family Apir
Mother Pregie's Group in Family Apir
Raisin's Group in Family Apir
wahaha.. after ng fourth year naten.. icocompile ko ang lahat ng videos and pic at gagawin kong movie!! haha
ReplyDelete